Pag-ibig
Bawat pintig ng aking puso Alam ko na sayo ako patungo Sa pagsilip ng dilim sa gabi Nais kitang halikan sa mga labi Mga sikreto ay mabubunyag Liwanag ay mabubulag At sa pag usbong ng liwanag Madadama mo ang sinag Umagang nais ay kapiling ka Wala na akong mahihiling pa na iba Walang ibang pipiliin Laging babalik sayong lambing Oh kay ganda pagmasdan ng iyong mga mata Kasinliwanag ng mga tala Mga misteryo at sikreto Nagtatago sa puso ng isang tao Sa kalawakan may bituin na nagninigning Pag ibig ko'y iyong damhin Wala na akong ibang nanaisin Kundi manatili sayong piling Hanggang sa muli aking mahal Pag-ibig ko sayo'y di magwawakas Iibigin kita ng wagas
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
