paboritong kasalanan
Isang pagkakamali ang sayo'y mapa ibig. Kalapastangan sa langit ang pagnanais na ika'y makapiling. Kaya't kung si bathala'y hindi magbigay ng pahintulot, na ika'y makasama at mahalin ka ng lubos. Tandaan mong ang aking pagbitaw ay hindi pagsuko, kundi paggalang sa desisyon ng sansinukob. Labag man sa loob na ikaw ay lisanin, pagkat ang mahalin ka ay hilum sa aking damdamin. Itaga mo sa bato, na ikaw ang paboritong kasalanan na mayroon ako. Kasalanang hindi ko pinagsisisihan, kahit ikagalit pa ng lupa't kalangitan.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
