paalam
gumawa ulit ako ng tula, sa bahaging ito, ikaw parin ang pahina, ngunit iba na ang paksa at nadarama, pinili ko ng ikaw ay sumaya. marami ng mga nasayang na luha, marami na ring tyansa ang naitaya, ngunit sa mundo ng pagpapalaya, sapat na ang salitang mahal kita upang magparaya. ngunit sa oras na ito, ako'y nagpapasalamat saiyo, memorya mo'y tuluyan ng lilisanin sa isipan ko, pangako mo'y dina hihintayin dahil ito'y tuluyan ng naglaho. sa mga nakalipas na takbo ng panahon, memorya mong patuloy na lumalamon, sa isipan kong tila ba ay malalim ang pagkaka baon, palayain ang sarili sa nakaraan at tuluyang itapon ang kahapon. ako'y namulat na't nagising, sa katotohanang ika'y dina muling mapapa saakin, mga larawan mong naiwan at bukod tanging nagpapaalala saakin ng mga masasayang kahapon, nagawa konang kalimutan at itapon. mga masasayang alaala, aking aalisin at lilimutin na, ikaw ang pinakamagandang pahina ng lumang talata, mahal ko ikaw ay malaya na.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
