PAALAM
Aking hindi inaasahan Ang ating paghihiwalayan Mabuti't aking kinakayanan Ang aking kalungkutan Kahit ako'y iyong sinaktan At iniwan Na para bang walang pagkakakilanlan Ako ay may katanungan, Bakit mo hinawakan Ang aking kahinaan? Bakit mo ako binigyan Ng rason na mahirap pagkatiwalaan? Mas lalong bumigat ang buwan na iyan Ngunit sinasabi ko sa aking katawan, "Laban! Kalimutan ang kalungkutan! Laban!" "Huwag mong isipin ang kanyang pangalan!" "May mas mahalagang bagay ka pangpagtuusan kaysa riyan!" Pasalamat dahil ito'y aking nakayanan at nalampasan Ngayon, na ako'y iyong iniwan, Mula rito sa ating lamesa at upuan, Ako rin ay lilisan Ang iyong mukha at pangalan ay aking kakalimutan Ngunit babaunin at gagamitin ko ang lahat ng aking mga natutuhan Dahil oras na para tahakin ko ulit ang sarili kong daanan © Domar Esmabe
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
