No Title
kaylan ko ba huling naramdaman na mahal ako ng isang tao? Hindi ko na din maalala, marahil dahil nagpakaabala ako kahahabol sayo? Ngayon parang gusto ko na ulit 'tong maramdaman Kaso mas nangunguna yung takot na baka ako'y masaktan nanaman Na baka sa huli ako nanaman ang maghahabol at aasa Tas itatanong ko nanaman sa sarili "bakit lahat sila ay paasa?" Sarili ko'y hindi ko na din maintindihan Ang puso't isipan ko'y naguguluhan "Bata ka pa naman hindi ka mapagiiwanan Bata ka pa madami kapang dapat na malaman at maranasan" Kaliwa't kanang tugon nila Sa tuwing ako'y magrereklamo kanila Bakit nga ba pag-ibig ang unang pinoproblema ng kabataan? Hindi ba dapat ang unahin nila ay ang makapagtapos at matulungan ang sambayanan? Pag-ibig ay makakapaghintay naman Unahin nyo munang makatulong sa iyong bayan Bago isip kung paano yumaman At kung paano kayo maghahalan Ng walang hangganan
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
