Ngiting Di Akin
Sa bawat sulyap sa silid-aralan, Puso ko'y tila walang kapantay na kasiyahan. Hindi ko alam, ako'y nahulog nang tuluyan, Sa'yong ngiting sa puso ko'y naging dahilan. Akala koy ako lang ang iyong tinititigan, Yun pala'y iba ang laman ng 'yong isipan. Mas masakit pa't kaibigan ko ang laman, Ng puso mong matagal ko nang inaasahan. Ngayo'y tanggap ko na, hindi ako ang iyong sinta, At hindi kailanman magiging dalawa. Ngunit kahit wala nang pag-asang makuha, Pangalan mo pa rin ang sigaw ng puso kong tanga.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
