Ngiti
Hindi ko alam anong mahika Ang mayron ka Na sa bawat tingin mo Payapa ang nadarama Hindi ko maipaliwanag Ang aking pakiramdam Na sa bawat ngiti mo Mundo koy nabubuo Bawat tingin mo sa akin Mga mata mo'y nagniningning Na para'ng bituin sa langit Bawat paglipas ng araw Ngiti mo'y lagi kong tanaw Mga ngiti mong nagbibigay ligaya Mga tingin mong nakakamangha Nang makilala ka Buhay ko lumigaya Nabigyang liwanag ang dilim At Nabigyang kulay ang buhay Dati ang sabi ko sa sarili Walang makakabihag sa akin Pero nang ika'y dumating Ako'y handang umibig muli Sa paglisan ng araw Walang oras na lumipas Na hindi ka gusto ng makita Pagkat ito ay nagbibigay pahinga Kung Kaya't araw araw Ako'y may gana Na pumasok sa eskwela Upang makita ka Aking sinta
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
