Ngayong Pwede Na, Pwede Pa Ba?
A year ago. you looked me in the eyes and said, "Ayusin mo muna ang sarili mo. Tapusin mo muna ang dapat mong tapusin sainyo. Pag naayos mo na, saka natin pag-usapan yung sa’tin… kahit maging tayo na nun." Those words— they echoed in the quiet parts of me. I held on, kahit masakit, kahit hindi ko alam kung may babalikan pa. Sinubukan kong buuin ang sarili kong basag. Umiiyak sa gabi, tahimik sa umaga, pero lumalaban. I let go of what I had to let go of. I chose myself when it hurt the most. And slowly, I found the version of me na kaya ko nang ipaglaban. Ngayon… Tapos na ang mga dapat tapusin. Tahimik na ang mga dating gulo. Mas buo na ako—hindi perpekto, pero mas totoo. Kaya ngayon ako’y nagbabalik, hindi para guluhin ka, hindi para pilitin ang pusong baka hindi na para sa akin— pero para tanungin lang… Ngayong pwede na ako, pwede pa ba ako? Ako pa rin ba sa mata mong minsang naging tahanan ko? May puwang pa ba ang pangalan ko sa puso mong tinuruan akong maghintay? Hindi ko alam ang isasagot mo, at handa akong tanggapin kahit anong totoo. Pero kung sakaling nandyan ka pa, at kung sakaling nandito pa rin ako sa isip mo… Andito ako. Ngayon, buo na. Ngayon, handa na. Ngayong pwede na Pwede pa ba?
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
