Ngayong pwede na, Pwede pa ba?
A year ago, you told me: "Ayusin mo muna yung sarili mo, tapusin mo muna ang dapat mong tapusin sainyo. Pag naayos mo na, saka natin pag-usapan yung sa’tin… kahit maging tayo na nun." I held on to those words. It hurt, but I knew you were right. Kailangan ko talagang ayusin ang sarili ko. Kailangan ko munang tapusin yung mga bagay na hindi ko kayang dalhin sa panibagong simula. And now… I did it. Tapos na yung mga dapat tapusin. Naayos ko na yung sarili ko—bit by bit, kahit mahirap. Hindi naging madali, pero pinili kong ayusin ang lahat, kasi pinanghawakan ko yung sinabi mo. Kaya ngayon… Pwede na ako. Ready na ako. Mas buo, mas malinaw, mas totoo, hindi man perpekto. Gusto ko lang itanong… Pwede pa ba?—ngayong pwede na? Ngayong ako naman ang handa. Ngayong kaya ko nang panindigan yung "tayo" na hindi ko kayang panindigan noon. I’m not saying this para pilitin ka or i-pressure ka. I just want you to know Ngayong pwede na, pwede pa ba?
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
