Nariyan ka lang pala
Noo’ng akala ko ako ay mag-isa, nariyan ka lang pala— tahimik, sinasamahan akong magluksa. Ikaw man ay hindi ko maramdaman, ngunit sa tabi ko, hindi ka lumisan. Pagmamahal mo na tanging sa panaginip ko lamang nararamdaman. Papalit-palit mong anyo upang ako ay mapatahan. Noong una ay hindi ko lubos maintindihan, sapagkat mundo natin ay iiba, ngunit koneksyon natin ay iisa: Isang mortal at mahiwagang diwa.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
