NARAHUYO
Malalim at Malayo. Nakakalunod at Nakakaliyo. Hindi magsasawang tignan. Ang buhay na dala ng kagandahan. Parang dagat na may repleksyon ng buwan. Dala nito ang kapayapaan. Nalulunod kong tinitignan. Ang pag-ahon ay pahirapan. Dala nito’y kaginhawaan. Hinding-hindi ko pagsasawaan. Koneksyong dala nito. Kumikiliti sa puso ko. Perpektong pagkagawa. Hindi ako makapaniwala. Kapag nasa akin ang iyong atensyon, Nakikita ko ang aking repleksyon. Kay ganda mong tingnan.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
