NAMIMISS NA TAHANAN
Namimiss ko na ang tahanang dati kong inuuwian hindi lang yung may bubong at dingding, kundi yung may halakhakan, yung may mga yakap na parang kumot sa lamig ng gabi. Namimiss ko na ‘yung almusal na may kwento, ‘yung tawanan sa hapag kahit hindi madalas, Namimiss ko na ‘yung tinig ng aking mama, ‘yung boses ni papa na laging tanong, “kumain ka na ba, anak?” Ngayon, ibang kama na ang ginagalawan ko, ibang kisame na ang tinititigan ko tuwing gabi. Tahimik. Malamig. Walang halakhak. Walang boses. Walang tahanan kahit may bahay. Kaya heto ako humihinga sa pagitan ng pangungulila, nagtatago sa mga tula habang nag-aaral, umaasang balang araw, makakauwi rin ako hindi lang sa lugar, kundi sa pakiramdam. Sa yakap. Sa kapayapaan. Sa tahanang matagal ko nang nami-miss.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
