Naalala Mo Pa Kaya ang Nakara
Parang kailan ako ay iyong napakinabangan. Nariyan at kaagapay mo sa paglaban. Ako ang iyong naging instrumento sa pakikipag ugnayan. Ngunit ,ano na ?Bakit ako ay unti-unti mo ng kinakalimutan. Ako ay parang hangin na sa iyong harapan. Na umaasa sa bawat pag ihip ay sana'y maramdaman. Hanggang kailan ka magbubulag-bulagan? Paano na ang nakaabang na kinabukasan? Ang kalagayan ng inang bayan, Alam mong patuloy ng naiimpluwensyahan. Hindi mo ba pagtutuunan ng pansin at papabayan? Maaalala mo pa kaya ang iyong kinagisnan. Ang wikang pambansa na minsang pinahalagahan, Minahal na at pinaglaban. Naging daan sa pagkakaisa ng mamayan, At naging dahilan sa pag unlad ng bayan. Alalahanin mo kung ano ang ating pinagmulan, Ang Wikang Pambansang Filipino na nariyan. Matatawag pa kaya na Pilipino ang ating pagkakakilanlan? Kung ang wikang kinagisnan ay unti-unting pinabayaan.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
