Munting Paraiso
—plagiarism is a crime Naglalakad ako Sa isang munting paraiso Nagniningning ang mga mata ko Nang makita ko ang ganda mo. Sabay tayong naupo Tiningnan natin ang alon ng paraiso Tinanong ko ang pangalan mo At tumibok ang puso ko. Tinanong ang sarili kung ito na ba ang aking prinsesa Na iuuwi ko sa aming tahanan ng may saya Aking ipakikilala sa aking ama’t ina At sasabihing sa hinaharap ito ang aking munting prinsesa na aking magiging reyna. Siya ang aking prinsesa sa paraiso nakilala Na magiging aking mahal na reyna At doon mag sisimula ang aming kwento Sa isang MUNTING PARAISO.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
