muling hanapin
at kung nais mong mapag-isa, hanapin ang sarili— na hindi ako kasama. ako’y mananatiling maghihintay, abutin man ng ilang buwan, taon, o siglo—naririto lamang ako. at kung dumating ang araw, na ikaw ay maging buo, tuluyang makilala ang sarili at matanggap ang anino mo. nawa’y ako naman—ako naman sana ang muling hanapin mo.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
