MU
Dati, madali lang— may “good morning” na kusa, may “ingat ka” na hindi hinihingi. Ngayon, parang lahat kailangan ko nang hulaan. Hindi naman tayo nag-away, pero bakit parang lumayo ka? Wala namang sinabi, pero bakit ang dami nang nagbago? Ako pa rin ‘to pero bakit parang hindi na ako yung hinahanap mo? Ang hirap pala ng MU, walang karapatan magtanong, pero ramdam mong may nawawala. Unti-unti kang naging “seen,” hanggang sa naging “wala na.” At ako— nandito pa rin, nakatingin sa dati, umaasang baka bumalik ka sa kung ano tayo noon. Pero siguro, hindi lahat ng “muntik na” nagiging tayo.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
