Mayari
Sinubukan kong ika'y ikumpara sa mga tala, Ngunit kinang ay kapos para sa'yong mata Sinubukan ring ihalintulad ang lebel kay Bathala, Ngunit sa ngiti mo lang ito kayang ikumpara, Bumulong ng panalangin kay Anagolay, Kung maari'y bigyan ako ng gabay Patawad, kung sa mitolohiya'y humingi ng patunay Nais ko lang maipaliwanag ang ganda mong taglay Naramdaman ang lamig at paligd na walang imik Wala sa tala o kay bathala ang sagot pagkat ika'y natatangi Hindi lamang pala sa mukha ang iyong gandang hitik Naniwala ako sa mitolohiya dahil ikaw ay aking Mayari.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
