May tayo ba?
Hindi lang sa pagdilat ika'y nakikita Pati sa panaginip ko hindi ka mabura Ano ba ang gagawin upang makalimutan ka Puso'y natatakot mahulog sa bihag mo'ng dala Na dati nga lang inis na inis sa iyong awra Ngayon sa sarili ko'y inis na Bawat galaw sumasagi ka Pag ika'y di nakikita hinahanap ka Nanghihina, nagseselos kapay may kasama kang iba Kung tutuusin may tayo ba? Baka nga hindi mo alam ang nadarama Parang ako lang nalulunod mag isa
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
