manika
kumikinang na mga Mata, Dyosa kung tawagin ng iba, May balingkinitan na katawan pa, sadyang Kahanga-hanga talaga. Halimuyak nyay nakakaadik, Ang ibay Sabik na sabik, mga matay napapatirik, maririnig mo lamang libo-libong hagikhik. sa araw ay tulog, sa Gabi ay nagpapahubog, mga Adonis ay libog na libog, kumukutitap na ilaw syang nagpapalubog. Pera, katawan at kahihiyan, bulong bulungan man ng iba dyan, edukasyon ay pilit man nyang hugutin sa kaninuman, Hiram ang syang dumadaan. sa mundong puno ng halimaw, isang alitaptap ang tanging tumatanglaw, biglang naalala na ako'y isa lamang palang ibinugaw, salitang pag-asa ay kaylan man ay di ko na matatanaw. Edukasyon daw ang susi, ngunit pasensya'y napakaiksi, Kaya naman akoy patuloy na humihikbi, Ni hustiya ay 'di ko hiningi. Mga buwaya, sa umpisa'y Kala mo Kung sino pa, sa huli ay Bulag na, mga bayad dyan walang karapatan magsalita. Anumang pagkukunan salapi ay ginawa na, bagwis ko'y nabali ng tinungo ko ang sanga ng pag-asa, bawat talulot ay sinusunggaban ko na, walang hiraya ba na magaganap? Ako'y di lang basta basta manika nyo, May damdamin ring bumabalong sa kaloob looban ko, sa unos na tinuring na pahingahan, isa kayong makamandag na alakdan.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
