Mangga
Araw araw, tila parang nakakabagot na. Pagpasok sa trabaho'y hindi na masaya. Mga tinuring na kaibigan, Iba na ang kasama. Oo nga pala, wala namang bago sa ganung sitstema. Sa una ay masaya, akala mo ito'y hanggang dulo na. Sasamahan ka kahit bumagsak ka, Iyon ay inaakala mo lang pala. Hulyo, ika-walong buwan ko sa trabaho. Nakakilala pa ako ng iba't ibang tao. Sa pamamagitan ng Mango, Nagkaroon ako ng kaibigang bago. Inisip na sa huli ay maglalaho, Mga nagsabi na hindi magbabago. Ayokong asahan ang mga salitang ito, Sapagkat pagod na akong masaktan sa dulo.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
