“MAMA”
01 “MAMA” Isa, dalawa, tatlo, May natatangi akong Isang babaeng nararapat Makatanggap ng salitang “SALAMAT SA LAHAT”. Salamat sa syam na buwan Na pagtitiis habang ako'y nasa Iyong sinapupunan pa, Hanggang sa ako'y tumungtung ako Sa mundong ito. Ako'y iyong inalagaan ng lubos At buong pusong inaruga, Salamat sa mga gabing ika'y nagpupuyat Para lamang ako'y mapatahan-tahan sa Mga gabing ako'y umiiyak. Mama, salamat sa’yo at mga turong iyong Inalay sa’kin habang hindi ko pa tuluyang Alam ang kabuluhan ng tunay na buhay. Salamat sa lahat mama, Kahit minsa’y ako ang naging Dahil ng iyong problema Ngunit ako'y iyo lamang Pinagpapasensyahan, kaya mama Salamat sa lahat , hindi man lubos Na matumbasan ng salitang salamat Ang iyong pagpupursige at paghihirap Na iyong ginawa para lamang ako'y Makatungtung sa mundong ito At mabuhay , ngunit salamat parin mama Sa iyong ginawa. —supremo. &. Open for critism. &. Grammatical and typographical errors ahead.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
