makalaya
Nararapat bang bumitaw ang pusong gustong makalaya? Ngunit papaano kung nais lamang nitong mahagkan ng mahigpit? Paano kung nais lamang nitong maging tunay at tapat? Maraming tanong ang sa akin bumabagabag—ngunit ni isa ay hindi masagot. Marahil ay hahayaan na lamang ang tadhana ang siyang magpasya, Para sa puso kong nasasaktan na. Kalungkutang nadarama ay hindi maipaliwanag, Nagnanasang maging malaya kahit sa akin ay walang nakagapos. Naghahangad na ang mga bagabag ay aking masagot. Ngunit papaano nga ba, kung isip at puso ay gulong-gulo na? -sp
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
