"Mahal na kita sa paraang ako
Gusto kitang makitang masaya At maramdam ang iyong magandang tawa Gusto kitang hawakan At maialay sa'yo ang nadarama hanggang sa dulo. Gusto kitang hagkan ng mahigpit Nang masaksihan mo ang pag-ibig ko Pero mas gugustuhin ko muna ang manahimik at magtago Bago ko muling masuylapan ang mga mata mo. Dahil ikaw ngayo'y hawak ng iba Ika'y ngayo'y nasa tamang tao na Ayukong makadisturbo Sapagkat kita ko naman ang kasiyahan sa mga mata mo Nakita ko rin kung paano ka alagaan at mahalin ng buo at todo Kaya hanggang sa pagtago at pananahimik nalang itong nararamdaman ko Alam kong hindi tama pero wala akong magagawa at wala akong ibang iniibig simula pa no'ng tayo'y unang magkakilala Ngunit alam kong hindi ako ang iyong tipo Dahil hindi ako mayaman tulad ni ano Tanging mga tula at sulat lamang ang kaya kong magawa Kaya mas nanahimik ako't nilugar ang nararamdaman patago.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
