Mahal Kong Marikit
Mahal kong marikit, Bakit ako'y pinagpalit? Sa paraiso ng langit, Ika'y nagtungong nakapikit. Mata'y lumuluha, Hinihiling ika'y muling makita. Munting paghibik, Ninanais ang muling pagbalik. Puso'y tila nadurog Ng aking iniirog. Bakit kailangan lumisan Kung ika'y tunay na minamahal? Luhang tumutulo, Sa mata kong unti-unti kang naglalaho. Luhang patuloy na lumuluha, Paglinsan ay minsanang itinangka.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
