"Mahal Kong Kaibigan"
Masaya akong nakilala kita Dahil sayo nakikita ko ang aking halaga May nakilala man tayong iba Ang mahalaga ay mahal natin ang isa't-isa Ikaw ang aking kaibigan Handang tumulong kung ako'y may pangangailangan Kaya di kita makakalimutan Dahil ang dami na nating pinagsamahan Hindi man tayo magkadugo Minsan ay hindi magkasundo Ngunit dito sa puso ko Ay tinuring kitang kapatid ko Mahal kita kaibigan ko Sana ay walang magbabago Kahit magkalayo tayo Kahit may nakikilala tayong bago
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
