MAHAL KO
I. MAHAL, Limang titik na mula sa alpabeto MAHAL, ang tawag sa akin ng isang mahalagang tao sa buhay ko Na muli kong nakadaupang palad at nakatagpo Simula noong Abril ika dalawampu at tatlo II. Sa Paaralang Elementarya ng Sampiro nakilala kita ng di inaasahan Ikaw ay nasa Baitang Anim ako'y nasa ikaapat na Baitang Mga musmos at yagit nating isipa'y mga wala pang kamalayan Ngunit tadhana'y nagpupumilit, at makalipas nga ang labing siyam na taon muling nagka kamustahan III. Ikaw ay tila isang ulan na dumating ng di ko namamalayan Sa panahong hindi handa at walang masisilungan Gayunpama'y galak ang nadama noong ika'y muling masilayan Sa muli mong pagdating sa buhay ko, dulot mo'y kasiyahan IV. Makalipas ang tatlong buwan nating pag uusap, ako ay tinanong mo Kung maaari ba akong maging kasintahan mo Tanong ko'y handa ka bang sumugal? Sagot mo nama'y OO Kaya naman matamis ko ding OO ay nakamit mo ng IKA LABING APAT NG HULYO V. Bagama't tayo ay nasa mundo ng bawal na pag-ibig Labis mong pinapasaya ang malungkot kong daigdig Salamat sa muling paglakbay at pagtahak sa aking mundo Mamahalin at aalagaan kita sa paraang alam ko
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
