"MAHAL KO"
VI. Salamat MAHAL KO at patuloy kang sumusugal Kahit na alam mong ang mahalin ako ay bawal Magkaiba man sa ngayon ang ating ginagalawang mundo Alam kong darating ang panahong maiipanalo din natin ito hanggang dulo VII. I love you MAHAL araw araw sayo'y sinasabi Totoong mahal kita, katotohanang hindi maikukubli Palagi kitang mahal sa bawat oras , minuto at segundo Dahil sayo bumabalik muli ang tunay na AKO VIII. Salamat MAHAL KO at palaging nandyan ka Na sa akin ay nagpapasaya, nagpapagalit, nagpapaluha at nagpapatawa Mundo kong madilim, malungkot at mag-isa. Binigyan mo ng kulay at sayo'y naging masaya IX. Sa muling pagbuklat sa ating naudlot na kabanata Sa muling pag-usad ng lovestory nina JAY-R at ERMA Batid na ngang ito ay magiging kapana panabik na istorya Saya, lungkot, pag iyak at pagtawa, sa pahinang ito ay sama sama X . Pinili kong mahalin ka hindi dahil sayo ko nakita ang panandaliang saya Hindi din dahil ngayon ko lang ulit naramdaman ang kakaibang ligaya Pinili kong mahalin ka dahil sadyang ginusto kita at talagang masasabi ko na MAHAL KO MAHAL NA MAHAL KITA ❤️
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
