Mahal Kita, Mahal
Alam mo, Paminsan-minsan, ako'y nabibigla, natutulala. Napapaisip—totoo ba 'to? O baka naman bahagi lang ng palabas, At may nanonood na madla? Kasi dati, sumuko na ako. Akala ko'y tapos na ang lahat. Na hindi na ako muli pang mabibigla... Pero bigla kang sumulpot— Parang ligaw na bala. Tagos. Sa puso. At pati utak ko, sabog. Ngayon, Tinuturuan mo akong magmahal ulit. Nang buo. Nang walang takot. Nang totoo. Mahal kita, mahal. Ikaw ang liwayway sa nagdidilim kong tadhana. Ikaw ang pangalawang tahanan na hindi ko akalaing darating pa. Ako ba'y iyong ginayuma O sadya ito ay parte ng ikot ng kalalaran Hindi ko mawari hindi maraan Mahal na mahal kita Sa iyong mga sulyap akoy natamaan Binigla man tayo nang tadhana, mahal Wag kang mag alala at ikaw ay aking habang buhay na hahawakan Mahalin mo lang ako at ikay aking mamahalin sa walang hanggang bukas Ikaw ang araw, bituin at buwan sa aking langit gabi Ikaw ang hiling sa mga dasal at mga kometang dumating Sa manako makarating ay asahan mo ikaw ay lagi kong katabi Ikay aking mahal, mahal ko
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
