Mababa lang #1
sa isang matikas na ugali't tindig, may isang bata sa pusong gustong marinig. sa panlabas na anyo may matigas, malambot naman sa mundong bingi. di ba naiintindihan? o ayaw lang intindihin? bakit laging kabaliktaran kung husgahan tila mali ang pagtingin sa likod ng bakal na pinto ako nagtago, kaya akala'y matibay kung tignan. ayaw pamarisan ang nakasanayang mundo na pag malambot kang nakita ng iba tatratuhin kang kotongan. san bako lulugar kung wala akong paglalagyan? di ako perpektong pampuno kung mismong sarili ko andaming kakulangan. pano kung ito lang ako? puno ng mga nagbubungguang ideya merong negatibong pagiisip na dinadaan lang sa kwela pano kung hindi ko mabigay yung gusto mo? di ko kayang baguhin yung sistema? baka maumay ka sa paulit ulit na tema. kaya kung tatalon ka sa bangin ko sana'y pakitandaan, mataas ang babagsakan mo bako tayo magtagpo ako ay mababa lang.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
