maari ba?
Sana'y ang tala't bituin ang maging gabay, Ang babaeng hinihingi't makasama sa habang buhay. Kasama ng mga alon at ang ihip ng hangin, Sana'y pansinin ang nag mamakaawang damdamin, Naglalakad sa ulan at naka tingin sa buwan, Ang paraisong ninanais sana'y makamtan, Humihiling sa may kapal na sana'y dumating ka, Sa pang habang buhay ay ikaw lang at wala ng iba, Mga kamay mong malambot, mga yakap na kay sarap, Ipaglalaban kita kahit saan man iharap. Mga ala-alang kay sayang balik balikan, Mamahalin kita mula ngayon at magpakailan man. Kahit saan mapunta, Mga ala-ala'y laging dala, Di mapapangakong ika'y di masasaktan, Ngunit mula ngayon ay di na kita iiwan.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
