Ma'am Joyce namin
Habang lumilipas ang bawat araw, Unti-unti kang naging ilaw. Mula sa simpleng guro sa aming harapan, Naging taong sandalan at maaasahan. Sa role play at research na magkasama, Doon ko nakilala ang tunay mong halaga. Hindi lang talino ang iyong ibinahagi, Kundi kabutihang hindi matutumbasan ng salapi. May mga pagkakataong ako’y nanghina, At may mga problemang hindi ko masabi agad sana. Ngunit ikaw ang naging boses ng katotohanan, Na nagturo sa akin ng tamang komunikasyon at pag-unawaan. Salamat, Ma’am Joyce, sa bawat payo, Sa pakikinig kahit magulo na ako. Sa paglaan ng oras sa aming problema, Kahit minsan ay istorbo na kami sa iyong pahinga. Hindi man ito tuluyang pamamaalam, Dahil naniniwala akong muli tayong pagtatagpuin ng panahon. Maaring sa paaralan, sa dagat, o sa simpleng daan, Magkikita pa rin tayo balang araw nang may ngitian. Hindi man kapareho ng pagmamahal ko kay RJ, Ang pagmamahal ko sa’yo ay totoo at hindi mawawala kahit kailanman. Dahil naging guro ka, ate, at kaibigan din, Na nagbigay kulay sa mga alaalang dadalhin ko habambuhay rin. Salamat sa pagiging bahagi ng aking buhay, Sa pagmamahal at gabay na tunay. Good luck sa bagong yugto ng iyong paglalakbay.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
