"Lumipad Na Taon"
Tila isang ibong maya, Lumipad na ang mga taon ng buhay ko, Huling kabanata na yata, at pangako na lang ang bukas. Sa makupad na araw na ganito, Malimit kong natatagpuan ang sarili—nakatingin sa mga sandali ng kahapon na tumatak sa isip ko. Wala nang bukas ang ngayon, Tanging ang ngayon lang ang tunay. Nasa iyong mga kamay ang bawat sandali, kahit hindi natin alam kung saan o hanggang kailan ang buhay natin.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
