"LUHA"
Tahimik kang dumating, ako agad ang nahulog. Mabilis kang naging mundo ko, pero ako’y naging tanong sa’yo. Araw-araw umaasa, gabi-gabing lumuluha. Habang ako'y kumakapit, ikaw pala'y kumakawala. Pinili kitang intindihin, kahit ako yung nasasaktan. Pinili kitang mahalin, kahit hindi mo na kaya pang suklian. Ako yung nagtanong, ikaw yung nagbago. Ako yung naghintay, ikaw yung sumuko. At nang tuluyan kang mawala, doon ko nakita ang katotohanan minsan, hindi tao ang problema, kundi panahon at pagkakataon. Tadhana raw ang may gawa, bakit sa dulo, ako lang ang may luha?
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
