love at first sight
Una ka palang makita ako'y humanga na sayo sinta. Sayong maamong mukha ako ay tuluyan ng namamangha. Para tayong nasa isang pelikula na tayo ang bida. Ikaw ang siyang gustong makasama hanggang ako'y tumanda. Kailan kaya mapapansin nangungulila kong damdamin. Sa loob ng silid aralan ikaw ang tanging minasmasdan. Sinusulit ang sandaling sa iba'y ikaw ay nakatingin. Masilayan kalang kahit ako ay hindi muna pansinin. Kailan mapapansin pag ibig kong sayo lang ilalaan. Hindi ako maganda pero ika'y aking ipaglalaban. Oh ginuo sana ay pag bigyan ang aking nararamdaman. Ako'y parang nangungulila kapag hindi ka nakikita. Hindi mo ba nararamdaman na sayo ako'y may pagtingin. Tinititigan ka ng palihim kahit ako'y di pansinin. Di ko kayang umamin pagka't ako'y iyong iniiwasan. Sa tula ko nalang idadaan ang aking nararamdaman. Sana'y sa pag amin ko ako ay titigan mo na ng deretsyo. Ilalaan ko sayo ang bawat piyesang magagawa ko. Hindi man kaganda ang tulang ito pero para sayo to. Hindi masabi ng aking bibig kong gano kita ginusto. Ikaw ang tanging dahilan kung bakit tugma ang aking tula. Ilalaan ang oras ko para sa natitirang piyesa. sana'y iyong nadama pag ibig kong nakakubli sa aking mata.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
