Liwayway ng Aking Buhay
Ikaw ang liwayway sa madilim kong mundo, Liwanag mong taglay ay aking eskudo. Patawad, Giliw, kung walang alay sa 'yo, Ni rosas, ni regalo, ni kahit anong ginto. Tanging mga titik, salitang may damdamin, Ang aking mahandog mula sa pusong tapat sa 'kin. Ikaw ang Luningning sa aking paningin, Kumikinang kang higit sa alinmang bituin. Marilag ang ganda, kay hirap ilarawan, Prinsesang sa kwento’y di mo matutumbasan. Sa bawat sandali, sa bawat umaga, Ligaya kang dala, ‘di ko na magawa pang magduda. Minsan napapaisip, ako ba’y nabighani? O baka na-engkanto sa tamis mong tunay. Panaginip ba ito, o isang guniguni? Pagkat tila kay hirap sa ‘yo'y maniwala'y tunay. Ngunit kung ikaw nga ay handog ng Maylikha, Isang dasal lamang ang aking winiwika: Na manatili ka, ‘wag sanang maglaho, Ikaw ang liwayway sa pusong nabuo.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
