LIWAYWAY
Nasaksihan ang panahon na taimtim Ngunit 'di mawari sa dilim Isang langit na tila ba'y dilaw? Pag-asang dala sa piling ng tanglaw Dakilang istoryang mahirap basahin Hindi bihasa sa kung ano gagawin Wari na lamang na palayain Baka sakaling sakit ay pawiin Nakakagilalas pagmasdan Pagkakatao'y 'wag sanang wakasan Dalhin ang gara sa buong araw 'Wag ipagkait sa taong nais sumigaw Lumipas ang maraming banaag Anino'y tuluyan nang 'di maaninag Hinahanap pati mga totoong salita Dahil lumabas nang walang pag-unawa Kay bilis ng agos sa ilog Kasing bilis ng pagkawala ng tugtog Labis-labis ang nagdaan, Sakit lang pala ang mararanasan. Para sa iyong pinaramdam Sana'y naghatid ng kalayaan Kanser ang iyong iniwan Nawa dugtungan aking nakagisnan.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
