"Lila"
Hapdi, pait, sugat at sakit Sa'kin bakit laging papilit? Mata'y singkit basa pagpikit, Panyong gamit luha'y kadikit. Langit saksi sa'king hinagpis, Buhol sa isip 'di maalis. Bawat bigat bihis ng lapis, Danas noong nasa disi-sais. Ang bawat saya'y nanakaw bigla Dahil sa punla ng pagkasala. Ngayon sa Ama'y magtitiwala Sa nakaraa'y makakawala.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
