Lihim na Pagtingin
Kailan ba aaminin Ang Lihim na pagtingin Bawa't sambit nga iyong pangalan Paglingon sa iyo ay hindi ko maiwasan Walang makakapantay Sa ganda'ng iyong taglay Hindi lamang sa panlabas na anyo Pati na rin sa puso Alam nila na Ikaw Ang gusto ko Kaya ang tawag nila sa akin Ay tanging pangalan mo Lahat ng bagay na iyong ginagawa Ay akin nang kabisado Mula kahapon Hanggang Ngayon Ito ay hindi magbabago Hindi ko man masabi ng diretso Ngunit aaminin ko ng totoo Oo Ako ay may gusto Sayo Akin itong inililihim Sapagkat ayaw kong masira Ang pagkakaibigan natin Bawat Araw na lumipas Kailanman ay hindi Ako umiwas Sa Tanong na gusto ba kita Maraming nag sabi Ang taong may damdamin Ay hindi alipin Ngunit kung ito Ang sanhi Ng pagkabulag Siguro ako ay alipin Sa Sarili Kong damdamin Marami ang namangha Sa iyong mga salita Kaya Naman tinapatan Mo ito Ng gawa Kaya Ako'y nahulog Sayo bigla Nahulog sa angking mong Ganda Payapa ang aking nadarama Sa bawat tingin na iyong ipininta
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
