Lihim
Kung alam mo lang, sinta, ang mga sandali, Kung paanong sa’yo ay umikot ang aking pagiisip; Na sa bawat ngiti mong dumadaan lang sa tabi, May pintig ng pusong pilit kong ikinukubli. Hindi mo siguro napapansin ang aking titig— Kung paano ito kumakapit sa iyong bawat pag-awit. Para akong aninong nakasunod sa iyong paligid, Tunay at totoong tahimik na umiibig. Minsan ko nang pinilit na limutin ka, Ngunit paano lalayo kung sa’yo ako'y napaibig na? Paano ko iiwasan ang mundong ikaw ang araw, Kung ako ang buwan na palihim kang iniibig? At kung balang araw ay mabasa mo itong tula, Huwag kang mangamba, at huwag mo ring alalahanin pa. Hindi ko hinihiling na ibalik mo ang nadarama— Sapat nang minsan ka’y naging dahilan ng aking pagsinta. Kung hindi man sa'kin tumugon ang iyong puso, Tatanggapin ko, kahit masakit, kahit mahapdi. Dahil ang totoo, sinta—ang pag-ibig kong ito Ay pag-ibig na handang masaktan.. basta’t ikaw pa ang dahilan.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
