Lihim
Ikaw at ako, pilit nilabanan ito. Isa kang bulaklak, at gano'n rin ako— Sikretong mali sa mata ng lahat, na ating marahang itinatago. Ang natatanging lihim: mumunting agaw-tingin, pasimpleng sulyap sa akin. Sa mundong ating ginawa, nagpapanggap na malaya. Subalit batid nating dalawa ang kahihinatnan ng isa't isa. Pag-ibig ko na siyang tunay, ngunit sa iyo ay may nagmamay-ari na.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
