ligaw
Patuloy ko pa ring tinatanong ang aking sarili kung bakit ka nga ba sa kanya bumalik? Simula nung nalaman ko, wala ka nang narinig sakin niisang imik Bakit mo ba ako pinakilig? Bakit ko nga pinakinggan ang iyong tinig? Lahat ng iyon ay napunta sa wala Pagdating sa puso mo, siya ang namamahala Aking aaminin Na pinaglaruan mo lamang ang aking damdamin Bakit mo ko niligawan Kung sa huli'y ako'y iyong iiwanan? Hindi ako malungkot at hindi rin galit Pero bakit mo ko pinagpalit? © Domar Esmabe
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
