LAHONG PARANG BULA
Tuwing nanghihina ka, sana’y maalala mo, May pusong nagbabantay, laging para sa’yo. Kahit sa katahimikan ng gabi’y kay lamig, Kahit milya-milya tayo, distansya’y mahigpit. Naalala ko nang ako’y naglaho bigla, Hinanap mo ang dahilan sa bawat salita. Para muling marinig ang tinig kong nawala, At maramdaman muli ang dati mong saya. Hindi kita lubos na nakikilala, Ngunit bawat salita mo’y may ginhawa. Hawak mo ang susi ng pusong nakasara, Binubuksan ng pagsinta mong walang kapara. Ni minsan di ko akalaing ganyan kalalim, Ang kabutihang parang ilog, walang hangganin. At sa katahimikan, dama ko’y pareho tayo, May pangungulila’t hanap na kanlungan sa puso. Kaya sa gabing malamig at payapa, Kapag mag-isa ka’t damdami’y nagbabadya, Kausapin mo ako, hindi lang kakilala, Kundi prinsesang iniingatan sa iyong alaala
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
