KUNG PWEDE LANG SANA
Sa dinami-rami ng aking dinalangin, Na Ikaw sana ay ipagkaloob sa akin, Ay hindi mo pala kayang dinggin, Kasi hindi tugma ang aming damdamin, Ang daya daya lang ni bathala, Bakit ba hindi Tayo pwedeng itadhana, Dahil kung sino pa ang minamahal nation, Sila pa ang hindi pwedeng mapa saatin, Kung pwede lang ba sana, Sana'y ipagkaloob ka ni bathala, Dahil Ikaw lang naman talaga, Ang gusto kong makasama, Sana sa susunod na pagkikita, Sana'y magkaroon na ng tsansa, Tsansang hawakan ka, At masabi sa sariling, Akin ka
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
