kitakits
Mananatiling palaisipan sa akin ang pigurang natatanaw ng mga matang parating nakatitig sa kawalan. Kay lapit ngunit hindi parin batid bakit naaakit sa tanawing hatid nitong dingding ng aking silid. Batid man ang lungkot sa 4 na sulok nitong aking parisukat na kulungan. Palagi kong tinatandaan na manghina man ang katawan, palaging may pader na aking masasandalan.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
