Kislap ng Damdamin
Ako'y nakatanaw sa isang bituing puno ng misteryo, nagliliyab umaabot ang sinag sa aking mundo mundong nasa kadiliman at nag iisa sa kawalan, nagkaroon ng malinaw at hangarin na di maawaan Sa aking mundong iyong pinukaw ako ang estranghero nais kang manakaw Ikaw na bituing puno ng liwanag na kulay dilaw liwanag ng mundo koy ito'y ikaw Ako'y isang estranghero ikay bituin Tila isang mangmang nais kang abutin liwanag ko sayoy kay pusyaw hindi nangingibabaw, hindi mo natatanaw Oh bituing nagniningnig sa gitna ng dilim hindi mo man matanaw ang sa akin mananatili kang kislap ng damdamin
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
