Kilalanin
Hindi mo kailangang buhatin ang aking bagahe at pasanin. Hindi mo kailangang maghalungkat, upang malaman ang naging rason ng aking bawat sugat. Hindi mo kailangang magpanggap, at pasanin ang bigat ng aking paghihirap. Ako ma’y nahihirapan, ngunit ito ay akin, at akin lamang. Tanging nais ko ay ako’y iyong kilalanin— hindi bilang sa maskara, ngunit bilang sa kalungkutan kong dala.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
