Katahimikan sa mga Kulay
Nahanap ang kapayapaan, Maayos na nagampanan, Makulay ang himpapawid, Kung kaya'y nakalagpas ng tuwid. Sa pamamagitan ng mga kulay, aking nahahanap kahulugan ng buhay. Nakikilala ang sarili, alam ang mga ninanais at minimithi. Sa tirik ng araw na maaliwalas, aking talento ay naipapamalas. Sariling kulay ay naipapakita, Oh tingnan mo nga naman at pakiramdam ay gumiginhawa. Naglalakbay ang puso ko't hinahanap ang mga kulay, Oh tingnan mo nga naman at siya'y nagtagumpay. Nahahanap ang saya sa mga kulay, Kanyang diwa, puso't isip ay nabubuhay. Katahimikan sa mga kulay, Isang napakagandang paglalakbay, Naibubura ang mga itinatagong lumbay, Naihahayag ang aking sariling tunay.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
