KAPAG UNOS ANG SUMUBOK
Ang pangarap ay Isang butil Sa lupain ng isip, itinatanim Dilig sa tyaga't panalangin Nag aabang sa bukang liwayway na darating. May mga unos na susubok Mga tinik na sa landas ay tutusok May mga anino ng pag-aalinlangan Na mag sasabing, "ito ay iyong iwanan. Ngunit huwag kang bibitiw, huwag susuko Ang puso'y gawing gabay at sulo Sa bawat hakbang, sa bawat pagod Ang tagumpay ay unti-unting mabubuod. At sa dulo, ang butil ay lalago Magiging puno na may bungang matamis at totoo Isang pangarap na dati'y sa isip lang Ngayo'y katotohanang sa mundo'y nag-aabang
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
