Kalayaan
Buhay ay tila isang bangungot. Na tanging kamatayan ang gamot. Sa hirap hindi ka makakagising, Lungkot ay di ka paaalisin. Sa kulungan ng panaginip, ikaw mananatiling nakahimbing, habang nag-iisa at may pangangamba. Makakalaya pa kaya? Marahil nararapat ko nang gamitin ang sagot at inumin ang gamot. Magising sa katotohanan at makalaya sa puot, kahit kasagutan ay tuluyang pagkalaho sa mundo. Makakaya ko kaya ito? Lumipad ng malaya at buo, malayo sa madlang dulot sa ’kin ay pagkabigo. Imulat ang mata at magising nang tuluyan, mula sa paraiso habang puso’y di na kailangan pang masaktan. Sa kabilang buhay ng pag-asa, maghahanap ng pagmamahal at kalinga.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
