kakampi o kalaban#2
tinawag mokong mahal kaya nagbakasakali akong katapat ng salitang mahal ang aking halaga. sa bawat murang tinatanggap ng murang kaisipan nalilito na ako, ano bang ibig mong sabihin talaga? mapanakit na pag ibig ang aking natanggap kaya di nako nanghingi siguro totoo nga ang sinasabi nila na di lahat ng bagay nabibili masakit tanggapin lalo na pag totoo ikaw yung sumira sakin pero ikaw rin yung gusto kong bumuo nito sa gitna ng kalituhang pinagdadaanan at sa tiwalang sinayang meron lang akong gustong malaman kakampi kaba o kalaban?
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
